ala ka date ngayon araw ng mga nguso este puso… sino pwede??? LOL
ala ka date ngayon araw ng mga nguso este puso… sino pwede??? LOL
ala ka date ngayon araw ng mga nguso este puso… sino pwede??? LOL
Hindi man masarap ang buhay ko, habang-buhay naman ako masarap!
L.O.L.
Bakit kamo TAE? Hindi ba ang tae ay tinatawag din na sama ng loob? And I feel like SH*T RIGHT NOW!
(Sa mga makakabasa, huwag sana sumama loob nyo, nais ko lang mailabas ang sama ng loob ko sa lahat ng nangyayari at nangyari sa akin.)
Sa aking magulang:
Ano nga ba ako para sa inyo? Anak ba ang tingin nyo sa akin o isang pabigat na pasan-pasan nyo? I never felt like I was your son. I felt like I’m just some responsibility of yours that you need to feed and clothe. Minsan kapag naglalambing ako, parang wala lang. Or kapag may gusto ako gawin, marating o abutin, hindi ko madama na todo ang suporta nyo sakin. Parang ang dating eh ganito:
Anak - Mama, gusto ko makapagtapos!
Magulang - Go anak, kaya mo yan! Huwag muna ngayon, wala ako pera.
Parang Laban o Bawi, hindi ba? Paaakyatin ka muna bago ka hatakin pababa. Or madalas dini-discourage ka para magbago ang isip mo at huwag nang ituloy ang iyong nais gawin. Ewan ko ba, pero nasanay na din ako sa ganito. Sa ganitong litanya at paulit-ulit na eksena. Pero kahit ano mangyari, pagbali-baliktarin pa natin ang mundo, kayo padin ang magulang ko at MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO! Maswerte pa din ako at kahit papaano, hindi nyo ako pinabayaan. Naghiwalay man kayo, hindi man tayo magkasama sa isang bahay, kayo pa din ang nagluwal sa akin sa mundong ito. AT NAGPAPASALAMAT AKO SA DIYOS KAYO ANG MAGULANG KO!
~O~O~O~O~O~O~O~
Sa aking pamilya:
Sino nga ba ako para sa inyo? Isang kadugo o isang palamunin? Alam ko po, nakikitira lang ako sa inyo. At walang utos ninyo ang hindi ko sinunod. Pero pagnakatalikod ako, pinaguusapan nyo pa din pala ako. Ang mga kamalian ko, ang mga kasalanan ko, ANG LAHAT NG GINAWA KO NA KAHIT TAMA AY MALI PA DIN SA INYO. Ang bigat talaga, pero nakikitira lang ako, gaya nga ng sabi nyo, kailangan ko makisama. Kaya lahat ng ibato nyo, tinatanggap ko dahil kaya naman ng katawan ko, hindi lang talaga kaya ng puso ko.
May mga pagkakataon na wala ako ginagawa pero ako pa din ang nabubunton ng sisi. Ano nga ba magagawa ko, nakikitira lang ako. Ang sakit pero yan nga ang buhay. Alam ko sa ngayon, pabigat ako sa inyo dahil wala ako trabaho at hindi pa din ako tapos sa pag-aaral ko. Pero huwag po kayo mag-alala, makakatulong din ako sa inyo. Pero naisip nyo din sana kapag may kailangan kayo, ako ang tumatakbo para pag gising sa umaga, tapos ang problema. Hindi ko man lang narinig sa inyo ang salitang “SALAMAT.”
Sa inyong magkakapatid, sa iisang tao ko lang narinig ang salitang yon. At sa kanya ako nagpapasalamat dahil tumayo sya bilang pangalawang ina ko. Salamat po! Nagpapasalamat pa din ako sa itaas kasi kahit papaano, nabiyayaan ako ng kapamilyang gaya mo. THANK YOU SO MUCH!!
~O~O~O~O~O~O~O~
Sa aking mga kaibigan:
Sino at ano nga ba ako sa inyo? Isang kaibigan na maasahan o isang gamit lang? Ang hirap tanggapin kung isa lang akong kagamitan na ginagamit lang kapag kailangan ng masasandalan o maiiyakan o mapaglalabasan ng sama ng loob. Ako naman ngayon maglalabas ng sama ng loob ko at sana pakinggan nyo ako. Hindi ako sandalan, hindi ako basahan at lalong hindi ako bato. May iba sa inyo nakalimutan na ako after nila ako mapakinabangan. Ang iba naman, parang deadma na lang. Masakit para sa akin na ganito lang pala ang tingin ninyo sakin. Pero ano nga ba magagawa ko, kayo ang pumili sakin bilang kaibigan, at hinanda ko ang sarili ko para sa panahon na kakailanganin nyo ang serbisyo ko bilang isa TUNAY NA KAIBIGAN. Huwag kayo mag-alala, itapon nyo man ako, kapag kailangan nyo ako, nandun padin ako sa lugar na pinatapunan nyo. Naghihintay kung sakaling pupulutin nyo ulit at kailanganin nyo ako.
Ganoon pa man, hindi ko na maiaalis sa isip ko na kayo ang mga kaibigan ko, kayo ang kasama ko at ako ang kasama nyo. Kung meron sigurong kasal para sa kaibigan, matagal na tayong kasal. LOL
~O~O~O~O~O~O~O~
Totoo pala ang sabi ng iba, “Kapag may kailangan sila sayo, mas mabango ka pa sa Tae. Kapag wala silang kailangan sayo, mas masahol at mas mabaho ka pa sa Tae!”
~O~O~O~O~O~O~O~
Gayun pa man, salamat ulit sa mga taong nakapaligid sa akin, sa magulang ko, pamilya ko at mga kaibigan ko. Pagbali-baliktarin pa natin ang buong universe, kayo pa din ang pipiliin ko bilang magulang ko, kapamilya ko at mga kaibigan ko. Dahil sa inyo, natuto akong maging matibay.
Salamat din at tinanggap nyo ako kung ano man ang pagkatao ko.
I LOVE YOU ALL! SALAMAT SA PAKIKINIG!
-Michan Villanueva y Miranda